Wednesday, January 14, 2009

Why You're Still Single


Destiny Addict

Ito 'yung mga taong hinihintay na gumawa ang tadhana ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga "soulmates" and whatever. Ayaw kumilos o kung ano pa dahil naniniwala siya na kung sino man 'yung talagang meant for him/her ay darating na lang bigla sa paraang hindi niya inaasahan--wow, parang Serendiptiy.

Laging maririnig na nagsasabing: "Dadating din 'yan. 'Wag kasing hanapin!"

Perfectionist

Simula nung magkamalay ang taong ito, nakalista na ang mga bagay na gusto niya sa kanyang magiging boypren/girlpren. kapag may nakilala siya at nakitang madumi ang kuko, magkadikit ang kilay, may butas sa ngipin, o parang penguin maglakad, wala na. Turn off na 'yun para sa kanya.

Laging maririnig na nagsasabing: "Ok na sana siya e. Kaya lang gusto ko 'yung ganito..."

Busy Bee

Pasensya na sila pero masyado kang maraming inaasikaso tulad ng libro, bolpen, papel at calculator. Umaalis ka ng 6 am sa bahay at umuuwi ng 7 ng gabi 'pag weekdays. Pagdating mo sa bahay, gagawa lang ng homework at matutulog na. Masaya ka nang makanood ng TV 'pag Sabado (at gumawa ulit ng homework). Sapat na sa'yo ang kumain sa labas kasama ang pamilya 'pag Linggo (at gumawa pa rin ng homework).

Laging maririnig na nagsasabing: "Sorry. Wala akong time sa ganyan e."

Friend Forever version 1

Kunwari ka pa dyan. Alam mo namang gusto mo talaga 'yang best friend o special friend mo pero hindi mo lang sinasabi at pinapadama dahil ayaw mong masira ang pagkakaibigan niyong dalawa. 'Yung tipong 'pag may kasmang iba 'yung gusto mo, kunwari ka pang masaya ka para sa kanya pero sa totoo lang, gusto mo na malusaw na parang ice dahil sa Global Warming.

Laging maririnig na nagsasabing: "I'm so happy for you!" o "Sayang naman 'yung pinagsamahan e."

Friend Forever version 2

Wala tayong magagawa pero talagang malapit ka lang sa kabilang kasarian--pero bilang kaibigan lang. One-of-the-boys, ladies' man. Hindi ka naman homo o bi pero sadyang kaibigan lang ang tingin mo sa mga taong hindi mo kapareho ng chromosomes. Masaya ka nang nakaka-hang out lang sila, nakakakwentuhan, niyayakap nang walang halong malisya.

Laging maririnig na nagsasabing: "May inuman ba mamaya?" (kung babae) o "Hatid ko ba kayo mamaya?" (kung lalaki)

Born to be One

Single-blessed ka at wala ka nang magagawa kung ganun. :-) Nilikha ka siguro para magaing mag-isa (pero syempre may pamilya at kaibigan ka naman, duh) hanggang tumanda ka na at ipadala sa Home for the Aged. Marami akong kakilalang mukhang ganito ang patutunguhan at hindi naman sila mga pangit o abnoy talaga. Minsan lang, masyado sila masungit.

Laging maririnig na nagsasabing: "Mag-isa ako."

Happy-go-lucky

'Eto 'yung taong masaya na sa trip-trip lang at kung anu-anong mga happenings. Kahit sino na lang basta no strings attached. For fun lang at walang seryosohan please.

Laging maririnig na nagsasabing: "I'm not ready to commit e, but I really like you."

Wrong Time

'Eto naman 'yung mga laging idinadahilan na masyado pa silang bata o kaya masyado na silang matanda. May mga tao raw na ganyan, 'yung pakiramdam nila laging may tamang panahon para sa pag-ibig. Pero ang labo lang kasi tuwing may pagkakataon naman, lagi nilang naiisip na maling panahon pa iyon. Oo, wrong timing lagi ang pag-ibig para sa kanila kasi madalas sumasakto kung kelan meron silang board exams, problema sa pamilya, o long test kinabukasan. :))

Laging maririnig na nagsasabing: "We had the right love at the wrong time..."

Parent Trap

Ayaw ni mama o ni papa na magkaboypren/girlpren ang kanilang unica hija/hijo kahit na 22 years old na ito at kumikita na ng sarili niyang pera. Kailangan daw magkaron ka muna ng isang strand ng puting buhok bago may makadalaw sa'yo sa bahay. O kaya, baka ikaw 'yung may problema dahil natatakot ka sa iisipin ng mga magulang mo tungkol sa iyong gusto. Baka kasi sabihin nila na masyado siyang bansot/ matangkad/ baboy/ payatot para sa'yo.

Laging maririnig na nagsasabing: "Baka kasi magalit si Papa."

Trauma

Dahil sa dami ng mga heartbreak na iyong nadama at emo songs na napakinggan mo na noon, sinumpa mo nang hindi ka magmamahal. Ayaw mo na. Sawa ka na sa paglalaslas ng pulso, este, sa paglalagay ng mga madramang stat message sa YM at pag-iyak ng balde-baldeng luha. Awwwww. >:D<>

1 comment:

sussyb said...

Hi everybody,I had been having relationship problems with my husband,things had been moving from bad to worse and our marriage was crumbling,the love was lost.I recently saw a testimony about a spell caster of some sort in a blogI visit for relationship and marriage counselling problems and I justthought after being ripped off the previous year of almost about $580, Ishould try it*maybe out of desperation of some sort*..and I contactedthem..Atfirst everything felt dreamy and unbelievable,theirconsultations and solution was a little bit easy and strange and I wasscared a little cos I heard read and heard lots of stories of fakespell casters and scammers ripping people off their money..I playedalong with a little hope and and faith and I was sent some few stuffsafter everything and it worked like a miracle,everything went to awhile new direction,it was and is amazing...I guess it was all goodfaith that made me read That particular post that faithful day..I hopethey could help other people too like they did me...I did a little andI got everything I wanted and wished for*my husband,my family and mylife back*their address is: odonmark11(at)gmail(dot)com.